Yakuza's Contract Wife [ SPG ]
Share:

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

READING AGE 18+

KenTin_12 NewAdult

0 read

“Hay! Bakit sunod-sunod ang problemang kinahaharap ko ngayon? P'wede bang isa-isa lang? Jusko, isa lang naman ang katawan ko?!” Napa-upo ako sa gutter dito sa gilid ng tulay na nilalakaran ko.

Parang sasabog na ang utak ko dahil sa sunod-sunod na problemang kinahaharap namin. Isama mo pa ang pagkakakulong ng bwisit kong kapatid dahil nakasagasa siya, buti na lang talaga mabait akong kapatid at na-pyansa ko siya kaninang umaga.


“Ngayon?! Saan ako kukuha ng pambayad ko sa tuition fee? Napunta lang sa pang-piyansa sa kapatid ko ang sinahod ko sa pagtu-tutor! Urgh!” Napayuko na lang ako at napahilamos.

Last year ko na this year at mukhang mapupurnada pa ang pagka-graduate ko dahil sa kapalpakan ng kapatid kong suwail at spoiled sa Mama ko.

Tumayo na ako at napapansin kong pinagtitinginan ako ng mga taong dumadaan at naglalalad dito sa may tulay, baka sabihin pa nilang baliw ako.

Pinagpagan ko ang aking suot na pants. “Saan uli ako maghahanap ng traba–” Napahinto ako sa pagsasalita ng bigla akong dinamba ng dalawang bata.

“Mama!”
“Mama namin!”

Lumaki ang mga mata ko ng yumakap sa aking dalawang batang lalaki. Anong ginagawa nila?

Anong Mama ang pinagsasabi nila? Turning 24 pa lang ako this year at ilang raw pa lang ng makipag-break ako sa jowa kong manloloko!

“Eh? A-ano... Ba-baka nagkaka–”

“Pakawalan mo ang mga bata! Napapalibutan ka na namin!”

Lalong lumaki ang mga mata ko ng makita ang mga lalaking naka-itim na may hawak na mga baril, nakatutok ito sa akin.

“Te-teka!” Malakas na sigaw ko pero gano'n na lamang ang pagkahinto ko sa aking sasabihin na makita ang dalawang batang lalaki na nakatingin sa akin.

“Mama ka po namin!”

Jusko, hindi ako ang mama niyo!

Unfold

Tags: possessiveindependentmafiadramasweetbxgcitypoor to richlove at the first sightsubstitute
Latest Updated

NAKATANGGAP ako ng tawag mula kay Kenta. May napagkamalan na naman sina Blade and Blaze na kanilang mommy. Walang araw na walang silang niyayakap at napagkakamalan na mommy nila. Kaya para sa akin ay common lamang iyon.

Napasandal ako sa swivel chair ko at bumalik ulit sa trabaho. Naka-focus ako sa work hanggang makatanggap ulit ako……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.